Huwebes, Marso 14, 2013

Mar. 14 – IGP Coordinator. Yan ang kelangan kong iaccomplish ngayong araw na ito sa clearance naming. Siyempre kelangan tignan ang mga records ng mga nabayarang libro sa accounting. Habang nakasalang ang mga clearance naming. Tumambay muna kami sa mini-theater para magpahinga. Grabe nakakapagod tong araw na ito. Magballroom ka ba naman eh. Pero masaya ako kasi 90 kami sa presentation naming. Akala ko mababa lang kami pero maganda daw sabi nila. Ahaha

Mar. 13 – Grabe nabasag ang bungo ko sa accounting. Nganga ako sa seatwork. Mag-aaral na nga ako ng husto! Malapit na ang term exam kaya kelangan kong doblehin ang effort ko para naman may maisagot ako. Hindi kasi ako nagbabasa eh. Malapit na malapit na kasi ang last term exam. Pero di bale, kakayanin ko ang hirap para makapasok sa BSAT. Go for BSAT!

Mar. 12 – “Simply Amazing” – Hulaan niyo kung kaninong tagline to? Smart yan mga pare! Ang sagot ko Toshiba. Ahaha ang layo sa katotohanan. Isa lang yan sa mga questions sa long quiz naming sa marketing. Sa awa ng Diyos mataas na rin kahit papaano ang nakuha kong score. Pagkatapos ng quiz naming nagpraktis  naman kami ng ballroom dance. Sa araw rin na ito nabuo ang mga steps namen.

Mar. 11 – Happy Birthday to my sister! 11years old na siya ngayon. Nakita ko nga yung picture niya nung birthday niya these past years. Ang taba-taba niya nun kagaya ko pero ngayon napakapayat na niya. Lagi nga kami tinutukso kasi 2 kaming lalaki ang mataba tapos siya lang ang payat sa aming magkakapatid. Nagkaroon kami ng konting salu-salo. Enjoy ang birthday nya today!

Mar. 10 – Wala na talaga kaming pahinga. Pati linggo kinuha na ng pag-aaral nain. Ito ang first formal practice naming sa ballroom dance. Maganda ang mga naisip nilang steps. Kaso bitin nga lang. Naiinggit nga ako sa ibang grupo kasi ang strikto ng pagtuturo sa kanila tapos buo na nila mga steps. Syempre kami di pakakabog kaya nagpraktis kami hanggang 7. Kaso atat na ata na akong umuwi kasi mula 9am hanggang 7 eh bukas pa din yung laptop ko sa bahay kaya agad-agad akong umuwi. Ahaha. Para sa dreamhouse movie na dinodownload ko yan. 

Biyernes, Marso 8, 2013


March 9 – Sa wakas natapos ko namang idownload yung The Orphanage. Talagang sinearch ko pa sa net yung pinakamagagandang horror movies. Yun ang paborito ko eh. Lalo na kapag may pinapatay :-P, pero di ako mamamatay tao ah? Baka mamaya isipin nyo eh killer ako. Panunuorin ko na ito ngayon para mamaya magrereview na ako sa mga subjects ko kasi maraming topics ang hindi inabsorb ng utang ko these previous days. Whoo kaya yan! Moral Support kelangan ko!

March 8 – Ito na ang last day namin sa NSTP. Gagraduate na kami! Yahoo! Next School Year wala na akong papasukan every Friday! Ang sarap-sarap kapag ganun. Makakatulog ako ng matagal kapag fiday nyan. Pero bakit kung may swerte lagi talagang may malas? Nawawala yung 50 pesos na kinolekta ko sa graduation fee. Buti na lang mabait ang dash 4 at nagcontribute silang lahat para makabuo ng 50 pesos. Sayang din kung mag-aabono ako. Sa wakas, tapos na ako mag-edit sa chapter 4!! Sana ok na to.