Martes, Pebrero 26, 2013

Feb. 27 - Grabe paggising ko pa lang para magrereview tinatamad na kaagad ako. Nalalapit na ang paghuhukom sa Filipino. Wala pa ring pumapasok sa utak ko. Pero ganito raw talaga ang nag-aaral. Tiyaga-tiyaga lang, wala namang madaling course. Pagsakay ko sa XLT umiikot ang paningin ko, hirap tuloy akong magbasa. pagkapasok ko sa room buklat agad ako ng libro. May mga nakakalimutan akong mga terms. Akala ko ready na ako para sa exam. Binigay na sa amin ang test paper. Ang panuto isulat ang JAY-AR kapag tama at MARIO kung mali. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko JAY-AR lahat ng sagot ko? Ahaha.. :-P .. Wala ulit akong maalala sa mga nireview ko. Sana makapasa naman ako sa exam. Napakahirap talaga eh. 1 oras ang bakante namin bago magecon100. Taong tambay lang kami sa canteen, kwentuhan at syempre hindi mawawala ang biruan. Tapos biglang sinabi wala daw kaming econ! Ahaha eh di happy happy kaming lahat!. Sinamantala namin ang pagkakataon para magpraktis sa PE. Wala rin naman kaming nasimulan. Ahaha. Sabi sa amin wala daw pasok bukas? ahaha sana nga>>>End

Lunes, Pebrero 25, 2013

Feb. 26 - Nag-alarm ako ng 6.. nag-alarm ulit ng 6:30 .. Hanggang sa naging 7 at naging 8.. ahaha ice ba mga pare?? relate kayo anoh?? wag kayo mag-alala.. kaisa niyo ako!! Gumayak ako ng 8:20 buyahe ng 9:15.. Sipag-sipagan daw ako sa pagrereview kahit di ko naman naiintindihan mga binabasa ko.. :-P... Pagdating sa klase ,, isang malaking NGANGA!! di ko nasusundan mga itinuturo sa amin.. pagtingin ko sa lecture ko.. hala putol-putol naman?? syempre hahanap ako ng Good Samaritan na magliligtas sa akin sa paghihirap ko sa pag-aaral.. Ang paraan?? eh di paphotocopy.. ahaha... Kaluwag ng bakante namin ngayon... almost 4 hour.. di pa naman ako pwede umuwi agad at may role play sa audi.. ahay ahala na ..>>>> Tapos
Feb. 25 - Nakakatamad magreview ngayong araw na'to!! Kahit sabihin ko pang maswerte kasi holiday pero hindi eh... Napakadaming kong gagawin ngayon, ahay.. gusto ko na magbakasyon. Ilang weeks na lang ba?? Hmm. 3 weeks??  Habang tumatagal lalo lang ako tinatamad mag-aral.. Ahahaha.. :-P.. Nagrereview lang ako maghapon.. Konting internet at nagdadownload ako ng mga android games para sa tablet na kapatid ko. Ang laki kaya ng kita ko sa kanya?? uto-uto yun eh.. :-P.. Palibhasa kasi maraming pera ang loko.. Basta boring tong araw na to >> The End