Huwebes, Marso 14, 2013

Mar. 14 – IGP Coordinator. Yan ang kelangan kong iaccomplish ngayong araw na ito sa clearance naming. Siyempre kelangan tignan ang mga records ng mga nabayarang libro sa accounting. Habang nakasalang ang mga clearance naming. Tumambay muna kami sa mini-theater para magpahinga. Grabe nakakapagod tong araw na ito. Magballroom ka ba naman eh. Pero masaya ako kasi 90 kami sa presentation naming. Akala ko mababa lang kami pero maganda daw sabi nila. Ahaha

Mar. 13 – Grabe nabasag ang bungo ko sa accounting. Nganga ako sa seatwork. Mag-aaral na nga ako ng husto! Malapit na ang term exam kaya kelangan kong doblehin ang effort ko para naman may maisagot ako. Hindi kasi ako nagbabasa eh. Malapit na malapit na kasi ang last term exam. Pero di bale, kakayanin ko ang hirap para makapasok sa BSAT. Go for BSAT!

Mar. 12 – “Simply Amazing” – Hulaan niyo kung kaninong tagline to? Smart yan mga pare! Ang sagot ko Toshiba. Ahaha ang layo sa katotohanan. Isa lang yan sa mga questions sa long quiz naming sa marketing. Sa awa ng Diyos mataas na rin kahit papaano ang nakuha kong score. Pagkatapos ng quiz naming nagpraktis  naman kami ng ballroom dance. Sa araw rin na ito nabuo ang mga steps namen.

Mar. 11 – Happy Birthday to my sister! 11years old na siya ngayon. Nakita ko nga yung picture niya nung birthday niya these past years. Ang taba-taba niya nun kagaya ko pero ngayon napakapayat na niya. Lagi nga kami tinutukso kasi 2 kaming lalaki ang mataba tapos siya lang ang payat sa aming magkakapatid. Nagkaroon kami ng konting salu-salo. Enjoy ang birthday nya today!

Mar. 10 – Wala na talaga kaming pahinga. Pati linggo kinuha na ng pag-aaral nain. Ito ang first formal practice naming sa ballroom dance. Maganda ang mga naisip nilang steps. Kaso bitin nga lang. Naiinggit nga ako sa ibang grupo kasi ang strikto ng pagtuturo sa kanila tapos buo na nila mga steps. Syempre kami di pakakabog kaya nagpraktis kami hanggang 7. Kaso atat na ata na akong umuwi kasi mula 9am hanggang 7 eh bukas pa din yung laptop ko sa bahay kaya agad-agad akong umuwi. Ahaha. Para sa dreamhouse movie na dinodownload ko yan. 

Biyernes, Marso 8, 2013


March 9 – Sa wakas natapos ko namang idownload yung The Orphanage. Talagang sinearch ko pa sa net yung pinakamagagandang horror movies. Yun ang paborito ko eh. Lalo na kapag may pinapatay :-P, pero di ako mamamatay tao ah? Baka mamaya isipin nyo eh killer ako. Panunuorin ko na ito ngayon para mamaya magrereview na ako sa mga subjects ko kasi maraming topics ang hindi inabsorb ng utang ko these previous days. Whoo kaya yan! Moral Support kelangan ko!

March 8 – Ito na ang last day namin sa NSTP. Gagraduate na kami! Yahoo! Next School Year wala na akong papasukan every Friday! Ang sarap-sarap kapag ganun. Makakatulog ako ng matagal kapag fiday nyan. Pero bakit kung may swerte lagi talagang may malas? Nawawala yung 50 pesos na kinolekta ko sa graduation fee. Buti na lang mabait ang dash 4 at nagcontribute silang lahat para makabuo ng 50 pesos. Sayang din kung mag-aabono ako. Sa wakas, tapos na ako mag-edit sa chapter 4!! Sana ok na to.

March 7 – Practical namin sa Pe. Nagkalat yung grupo naming, di naming kasi marinig yung tugtog. Pero ok na yun kasi pasado naman kaming lahat. Pero sayang talaga yung written exam ko, bakit ganun? Lagi na lang akong wrong spelling sa word na RHYTHM, hindi ba pwedeng RHYTHYM yun? :-P. Hate na hate ko na yang word na yan. Pag ako naging bihasa sa English, gagawa ako ng word na RHYTHYM sa dictionary para di ako namamali!

March 6 – Grabe bitin tulog ko, pinuyat ako ng chapter 4, hindi ko pa tapos. Pinacheck ko kay sir yung nagawa, minalas ulit ako kasi rejected na naman yung inedit ko. Habang nagpapraktis kami ng PE, yun pa din ang nasa isip ko. Dumagdag pa sa problema ko yung accounting, mali-mali sagot ko. Asar.

March 5 – Ito ang nakakabadtrip na araw. Kawawa naman ako, mag-eedit ako ng chapter 4 namin sa pananaliksik, 60 pages na tadtad ng red ink. Masisiraan ako ng ulo nito, di ko alam kung paano ko imamanage ang time ko para sa gawaing ito. Gagawa na lang ako hanggang medaling araw para makausad naman kami. Grades din naming yo.


March 4 – SISIG!!!!!!!!! :-P Gusto ko ng sisig!!!! Mula nung pagpasok ko sa school hanggang bago maglunch yan ang laman ng utak ko. Oh masanay na kayo sa akin. Jombagin ko kayo eh. Tinatamad akong makinig ngayon, pero natutuwa ako kasi 17 kami sa econ kahit wala si Februaw. Pero sayang, kung andun lang siya eh di mas masaya sana. Natapos ang econ at dumiretso agad kami ni Lander sa Sizzling house. Habang kumakain kami, bigla nila akong tinext na awarding daw ng The Asset 2012 kaya pagkainom ni Lander takbo agad kami sabay sakay sa tricycle. Ang sakit-sakit tuloy ng tyan ko. Di bale nakahabol ako sa awarding at pinalad ako kasi 1ST RUNNER UP ako.

Linggo, Marso 3, 2013


Mar. 3 – It’s a Blessed Sunday! Ito ang bonding time na pamilya. Pero bakit ganun? Naiirita ako? Parang nawawala ako sa mood. Di bale magiging ok din ako. Nagreview na naman ako maghapon at konting internet para maipagpatuloy yung dindownload kong Paranormal Activity 4. 80% na siya ngayon. Medyo bumagal kasi ang internet eh. Di pa ako nakakabili ng frixion pen, di pa ko nakakalabas ng bahay, lagot ako nito sa pinaghiraman ko. Ahaha ako ng bahala bukas, bibili na lang ako this week pag maaga kami nakauwi.

Mar. 2 – Mag-isa ko lang sa bahay! Yes walang utos ng utos sa akin! Pumunta silang lahat ng Lupao. Nanuod ako ng NBA, syempre MIAMI HEAT to mga tsong! Pero medyo malamya at ang laro ni LeBron? 4th quarter na pero 4 points pa lang nagagawa niya. Masisira ang record niya na mahigit 400 sunod-sunod na laro na ang nagawa niyang puntos ay 2 digit number. Pero magaling talaga si King James, hindi nasira ang record niya, panalo pa sila. Nagrereview lang ako mag-isa sa bahay at natutulog lang ako maghapon.

Mar. 1 - Exam daw namin sa NSTP. Pero hindi ako nagreview, umaasa kasi akong hindi tuloy. Natupad nga ang wish ko!! Maswerte ako ngayon, pero sabi nila everything must be in balanced, ano ang pambalanse? Mali ang date na  nailagay ko sa pinasa kong activity, wala palang February 29 ngayong year na to. March 1 pala yun! Eh ano pang magagawa ko naipasa ko na eh. Kakulit nga ng NSP namin at napakatalas ng mata ni mam. Ahaha kilala niya kung sino ang mga pasaway na patagong ipinapatong yung activity sa likod niya. Natapos ang NSTP, brownout, natulog lang ako maghapon. 

Feb. 28 – Sayang! Di kame excused para manuod ng tactical. Pero ok lang at 10am naman ang pasok eh. Ahaha 1 lang ang subject namin sa umaga kapag ganun.  Habang naglalakad kami bigla kong naalala yung sisig kaya pumunta kami sa sizzling house. Pag mga ganyan na pagkain eh alam na talaga :-P!! Habang kumakain kami biglang nag gm class president naming na wala daw kaming pasok sa hapon. Eh di syempre malas namin at nakakain na kami eh. Pabalik na kami ng BA para kunin yung reviewer ng marketing at sa hindi ko malamang dahilan ay nagpupumilit sila Pocholo at Bocobo na pumunta sa bahay namin. Syempre ako ayoko at magagalit sila mama. Sa sobrang pagpupumilit nila eh napapayag nila ako, pero ano nangyari nung pasakay na kami? Kanya-kanya rin kaming uwi. Sayang ang pangungulit nila. Hinintay namin ang 6pm para manuod ng Katubanya. Napakaganda talaga ng event na yun!! Sulit!!!

Martes, Pebrero 26, 2013

Feb. 27 - Grabe paggising ko pa lang para magrereview tinatamad na kaagad ako. Nalalapit na ang paghuhukom sa Filipino. Wala pa ring pumapasok sa utak ko. Pero ganito raw talaga ang nag-aaral. Tiyaga-tiyaga lang, wala namang madaling course. Pagsakay ko sa XLT umiikot ang paningin ko, hirap tuloy akong magbasa. pagkapasok ko sa room buklat agad ako ng libro. May mga nakakalimutan akong mga terms. Akala ko ready na ako para sa exam. Binigay na sa amin ang test paper. Ang panuto isulat ang JAY-AR kapag tama at MARIO kung mali. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko JAY-AR lahat ng sagot ko? Ahaha.. :-P .. Wala ulit akong maalala sa mga nireview ko. Sana makapasa naman ako sa exam. Napakahirap talaga eh. 1 oras ang bakante namin bago magecon100. Taong tambay lang kami sa canteen, kwentuhan at syempre hindi mawawala ang biruan. Tapos biglang sinabi wala daw kaming econ! Ahaha eh di happy happy kaming lahat!. Sinamantala namin ang pagkakataon para magpraktis sa PE. Wala rin naman kaming nasimulan. Ahaha. Sabi sa amin wala daw pasok bukas? ahaha sana nga>>>End

Lunes, Pebrero 25, 2013

Feb. 26 - Nag-alarm ako ng 6.. nag-alarm ulit ng 6:30 .. Hanggang sa naging 7 at naging 8.. ahaha ice ba mga pare?? relate kayo anoh?? wag kayo mag-alala.. kaisa niyo ako!! Gumayak ako ng 8:20 buyahe ng 9:15.. Sipag-sipagan daw ako sa pagrereview kahit di ko naman naiintindihan mga binabasa ko.. :-P... Pagdating sa klase ,, isang malaking NGANGA!! di ko nasusundan mga itinuturo sa amin.. pagtingin ko sa lecture ko.. hala putol-putol naman?? syempre hahanap ako ng Good Samaritan na magliligtas sa akin sa paghihirap ko sa pag-aaral.. Ang paraan?? eh di paphotocopy.. ahaha... Kaluwag ng bakante namin ngayon... almost 4 hour.. di pa naman ako pwede umuwi agad at may role play sa audi.. ahay ahala na ..>>>> Tapos
Feb. 25 - Nakakatamad magreview ngayong araw na'to!! Kahit sabihin ko pang maswerte kasi holiday pero hindi eh... Napakadaming kong gagawin ngayon, ahay.. gusto ko na magbakasyon. Ilang weeks na lang ba?? Hmm. 3 weeks??  Habang tumatagal lalo lang ako tinatamad mag-aral.. Ahahaha.. :-P.. Nagrereview lang ako maghapon.. Konting internet at nagdadownload ako ng mga android games para sa tablet na kapatid ko. Ang laki kaya ng kita ko sa kanya?? uto-uto yun eh.. :-P.. Palibhasa kasi maraming pera ang loko.. Basta boring tong araw na to >> The End