Huwebes, Marso 14, 2013
Mar.
14 – IGP Coordinator. Yan ang kelangan kong iaccomplish ngayong araw na ito sa
clearance naming. Siyempre kelangan tignan ang mga records ng mga nabayarang
libro sa accounting. Habang nakasalang ang mga clearance naming. Tumambay muna
kami sa mini-theater para magpahinga. Grabe nakakapagod tong araw na ito.
Magballroom ka ba naman eh. Pero masaya ako kasi 90 kami sa presentation naming.
Akala ko mababa lang kami pero maganda daw sabi nila. Ahaha
Mar. 13 – Grabe nabasag ang bungo ko sa accounting. Nganga
ako sa seatwork. Mag-aaral na nga ako ng husto! Malapit na ang term exam kaya
kelangan kong doblehin ang effort ko para naman may maisagot ako. Hindi kasi
ako nagbabasa eh. Malapit na malapit na kasi ang last term exam. Pero di bale,
kakayanin ko ang hirap para makapasok sa BSAT. Go for BSAT!
Mar. 12 – “Simply Amazing” – Hulaan niyo kung kaninong
tagline to? Smart yan mga pare! Ang sagot ko Toshiba. Ahaha ang layo sa
katotohanan. Isa lang yan sa mga questions sa long quiz naming sa marketing. Sa
awa ng Diyos mataas na rin kahit papaano ang nakuha kong score. Pagkatapos ng
quiz naming nagpraktis naman kami ng
ballroom dance. Sa araw rin na ito nabuo ang mga steps namen.
Mar. 11 – Happy Birthday to my sister! 11years old na siya
ngayon. Nakita ko nga yung picture niya nung birthday niya these past years.
Ang taba-taba niya nun kagaya ko pero ngayon napakapayat na niya. Lagi nga kami
tinutukso kasi 2 kaming lalaki ang mataba tapos siya lang ang payat sa aming
magkakapatid. Nagkaroon kami ng konting salu-salo. Enjoy ang birthday nya
today!
Mar. 10 – Wala na talaga kaming pahinga. Pati linggo kinuha na
ng pag-aaral nain. Ito ang first formal practice naming sa ballroom dance.
Maganda ang mga naisip nilang steps. Kaso bitin nga lang. Naiinggit nga ako sa
ibang grupo kasi ang strikto ng pagtuturo sa kanila tapos buo na nila mga
steps. Syempre kami di pakakabog kaya nagpraktis kami hanggang 7. Kaso atat na
ata na akong umuwi kasi mula 9am hanggang 7 eh bukas pa din yung laptop ko sa
bahay kaya agad-agad akong umuwi. Ahaha. Para sa dreamhouse movie na
dinodownload ko yan.
Biyernes, Marso 8, 2013
March 9 – Sa wakas natapos ko namang idownload yung The
Orphanage. Talagang sinearch ko pa sa net yung pinakamagagandang horror movies.
Yun ang paborito ko eh. Lalo na kapag may pinapatay :-P, pero di ako mamamatay
tao ah? Baka mamaya isipin nyo eh killer ako. Panunuorin ko na ito ngayon para
mamaya magrereview na ako sa mga subjects ko kasi maraming topics ang hindi
inabsorb ng utang ko these previous days. Whoo kaya yan! Moral Support kelangan
ko!
March 8 – Ito na ang last day namin sa NSTP. Gagraduate na
kami! Yahoo! Next School Year wala na akong papasukan every Friday! Ang
sarap-sarap kapag ganun. Makakatulog ako ng matagal kapag fiday nyan. Pero
bakit kung may swerte lagi talagang may malas? Nawawala yung 50 pesos na
kinolekta ko sa graduation fee. Buti na lang mabait ang dash 4 at nagcontribute
silang lahat para makabuo ng 50 pesos. Sayang din kung mag-aabono ako. Sa
wakas, tapos na ako mag-edit sa chapter 4!! Sana ok na to.
March 7 – Practical namin sa Pe. Nagkalat yung grupo naming,
di naming kasi marinig yung tugtog. Pero ok na yun kasi pasado naman kaming
lahat. Pero sayang talaga yung written exam ko, bakit ganun? Lagi na lang akong
wrong spelling sa word na RHYTHM, hindi ba pwedeng RHYTHYM yun? :-P. Hate na
hate ko na yang word na yan. Pag ako naging bihasa sa English, gagawa ako ng
word na RHYTHYM sa dictionary para di ako namamali!
March 5 – Ito ang nakakabadtrip na araw. Kawawa naman ako,
mag-eedit ako ng chapter 4 namin sa pananaliksik, 60 pages na tadtad ng red
ink. Masisiraan ako ng ulo nito, di ko alam kung paano ko imamanage ang time ko
para sa gawaing ito. Gagawa na lang ako hanggang medaling araw para makausad
naman kami. Grades din naming yo.
March 4 – SISIG!!!!!!!!! :-P Gusto ko ng sisig!!!! Mula nung
pagpasok ko sa school hanggang bago maglunch yan ang laman ng utak ko. Oh
masanay na kayo sa akin. Jombagin ko kayo eh. Tinatamad akong makinig ngayon,
pero natutuwa ako kasi 17 kami sa econ kahit wala si Februaw. Pero sayang, kung
andun lang siya eh di mas masaya sana. Natapos ang econ at dumiretso agad kami
ni Lander sa Sizzling house. Habang kumakain kami, bigla nila akong tinext na
awarding daw ng The Asset 2012 kaya pagkainom ni Lander takbo agad kami sabay
sakay sa tricycle. Ang sakit-sakit tuloy ng tyan ko. Di bale nakahabol ako sa
awarding at pinalad ako kasi 1ST RUNNER UP ako.
Linggo, Marso 3, 2013
Mar. 3 – It’s a Blessed Sunday! Ito ang bonding time na
pamilya. Pero bakit ganun? Naiirita ako? Parang nawawala ako sa mood. Di bale
magiging ok din ako. Nagreview na naman ako maghapon at konting internet para
maipagpatuloy yung dindownload kong Paranormal Activity 4. 80% na siya ngayon.
Medyo bumagal kasi ang internet eh. Di pa ako nakakabili ng frixion pen, di pa
ko nakakalabas ng bahay, lagot ako nito sa pinaghiraman ko. Ahaha ako ng bahala
bukas, bibili na lang ako this week pag maaga kami nakauwi.
Mar. 2 – Mag-isa ko lang sa bahay! Yes walang utos ng utos
sa akin! Pumunta silang lahat ng Lupao. Nanuod ako ng NBA, syempre MIAMI HEAT
to mga tsong! Pero medyo malamya at ang laro ni LeBron? 4th quarter
na pero 4 points pa lang nagagawa niya. Masisira ang record niya na mahigit 400
sunod-sunod na laro na ang nagawa niyang puntos ay 2 digit number. Pero
magaling talaga si King James, hindi nasira ang record niya, panalo pa sila.
Nagrereview lang ako mag-isa sa bahay at natutulog lang ako maghapon.
Mar. 1 - Exam daw namin sa NSTP. Pero hindi ako nagreview,
umaasa kasi akong hindi tuloy. Natupad nga ang wish ko!! Maswerte ako ngayon,
pero sabi nila everything must be in balanced, ano ang pambalanse? Mali ang
date na nailagay ko sa pinasa kong
activity, wala palang February 29 ngayong year na to. March 1 pala yun! Eh ano
pang magagawa ko naipasa ko na eh. Kakulit nga ng NSP namin at napakatalas ng
mata ni mam. Ahaha kilala niya kung sino ang mga pasaway na patagong ipinapatong
yung activity sa likod niya. Natapos ang NSTP, brownout, natulog lang ako
maghapon.
Feb. 28 – Sayang! Di kame excused para manuod ng tactical.
Pero ok lang at 10am naman ang pasok eh. Ahaha 1 lang ang subject namin sa
umaga kapag ganun. Habang naglalakad
kami bigla kong naalala yung sisig kaya pumunta kami sa sizzling house. Pag mga
ganyan na pagkain eh alam na talaga :-P!! Habang kumakain kami biglang nag gm
class president naming na wala daw kaming pasok sa hapon. Eh di syempre malas namin
at nakakain na kami eh. Pabalik na kami ng BA para kunin yung reviewer ng
marketing at sa hindi ko malamang dahilan ay nagpupumilit sila Pocholo at
Bocobo na pumunta sa bahay namin. Syempre ako ayoko at magagalit sila mama. Sa
sobrang pagpupumilit nila eh napapayag nila ako, pero ano nangyari nung pasakay
na kami? Kanya-kanya rin kaming uwi. Sayang ang pangungulit nila. Hinintay namin
ang 6pm para manuod ng Katubanya. Napakaganda talaga ng event na yun!! Sulit!!!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)