March 4 – SISIG!!!!!!!!! :-P Gusto ko ng sisig!!!! Mula nung
pagpasok ko sa school hanggang bago maglunch yan ang laman ng utak ko. Oh
masanay na kayo sa akin. Jombagin ko kayo eh. Tinatamad akong makinig ngayon,
pero natutuwa ako kasi 17 kami sa econ kahit wala si Februaw. Pero sayang, kung
andun lang siya eh di mas masaya sana. Natapos ang econ at dumiretso agad kami
ni Lander sa Sizzling house. Habang kumakain kami, bigla nila akong tinext na
awarding daw ng The Asset 2012 kaya pagkainom ni Lander takbo agad kami sabay
sakay sa tricycle. Ang sakit-sakit tuloy ng tyan ko. Di bale nakahabol ako sa
awarding at pinalad ako kasi 1ST RUNNER UP ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento