Martes, Pebrero 26, 2013

Feb. 27 - Grabe paggising ko pa lang para magrereview tinatamad na kaagad ako. Nalalapit na ang paghuhukom sa Filipino. Wala pa ring pumapasok sa utak ko. Pero ganito raw talaga ang nag-aaral. Tiyaga-tiyaga lang, wala namang madaling course. Pagsakay ko sa XLT umiikot ang paningin ko, hirap tuloy akong magbasa. pagkapasok ko sa room buklat agad ako ng libro. May mga nakakalimutan akong mga terms. Akala ko ready na ako para sa exam. Binigay na sa amin ang test paper. Ang panuto isulat ang JAY-AR kapag tama at MARIO kung mali. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko JAY-AR lahat ng sagot ko? Ahaha.. :-P .. Wala ulit akong maalala sa mga nireview ko. Sana makapasa naman ako sa exam. Napakahirap talaga eh. 1 oras ang bakante namin bago magecon100. Taong tambay lang kami sa canteen, kwentuhan at syempre hindi mawawala ang biruan. Tapos biglang sinabi wala daw kaming econ! Ahaha eh di happy happy kaming lahat!. Sinamantala namin ang pagkakataon para magpraktis sa PE. Wala rin naman kaming nasimulan. Ahaha. Sabi sa amin wala daw pasok bukas? ahaha sana nga>>>End

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento